103 ng sunog, naitala ng BFP Dagupan mula buwan ng Enero

Nakapagtala na ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng 103 na sunog sa lungsod ng Dagupan mula buwan ng enero.

Sinabi sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) forum ni City Fire Marshal Inspector Romie Tungpalan na kabilang sa kanilang naitalang sunog ay 82 grass fires, 14 structural fires at ang iba ay short circuits o sparks.

Sa mga structural, ang kadalasang dahilan ng sunog ay dahil sa linya ng kuryente o napabayaan na kandila.

Ang pinaka-huling insidente na ni-respundihan ng BFP ay ang pagkasunog ng kubo sa barangay Bonuan Gueset nitong Martes.

—-

Mayroong sinusunod ang Bureau of Fire Protection (BFP) na pamamaraan sa pagsasagawa ng imbestigasyon kapag may naganap na sunog.

Ipinaliwanag ni Inspector Romie Tungpalan, fire marshal ng Dagupan City BFP, ang unang gagawin nila ay titignan kung saan posibleng nagsimula ang sunog.

Una ay nakikipag-ugnayan ang imbestigador sa mga taong nanduon sa lugar nang maganap ang insidente.

Kapag hindi napatunayan ang sinasabing pinagsimula ng sunog ay nagpapadala naman ng samples ng abo o wire ng kuryente ang lokal bfp sa kanilang national headquarters.

Speak Your Mind

*