AUTOPRO-Pangasinan, pabor sa mandatory drug testing sa mga drivers

Pabor ang Alliance of United Transport Organizations Province-Wide o AUTOPRO-Pangasinan sa pagpapatupad ng mandatory drug testing sa mga drivers.

Ipinaliwanag ni Benny Aquino, ang presidente ng AUTOPRO-Pangasinan na ang bawat buhay ng mga mananakay ay nasa kamay ng mga drivers.

Payo nito sa mga drivers na mag-ingat lagi sa pagbiyahe at huwag gumamit ng illegal na droga.

Gayunman, ang nakikitang problema rito ni Aquino ay kung sasagutin pa ng mga driver ang drug testing.

Kaugnay nito ay nananawagan ang AUTOPRO na sagutin o ilibre na ng pamahalaan ang bayad sa mandatory drug testing dahil nagbabayad naman ang mga ito ng buwis sa gobyerno.

Speak Your Mind

*