Autopro- Pangasinan, umalma sa panukalang bawas singil sa pasahe

Iminungkahi ng ilang mambabatas na magkaroon ng bawas sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan sa bansa kasunod ng serye ng pagbaba sa presyo ng gasolina.

Nais nilang ibaba sa 6.50 pesos ang kasalukuyang minimum na pasahe na 8 pesos sa jeep.

Kaugnay naman nito ay umalma ang Autopro-Pangasinan sa panukala.

Ayon kay Benny Aquino, ang presidente ng Autorpo-Pangasinan, dapat itong pag-aralan mabuti ng mga mambabatas dahil kahit na bumaba ang presyo ng gasolina ay nanatili namang mataas ang presyo ng mga spare parts ng sasakyan.

Samantala, sa Setyembre a-sais naman ay magkakaroon ng national meeting ang lahat ng transport groups sa bansa para pag-usapan ang magiging hakbang kaugnay ng panukalang bawasan ang kasalukuyang minimum fare.

Speak Your Mind

*