Inspection sa mga security guards, regular na isinasagawa ng Malasiqui PNP

Nagsasagawa ng regular na inspection ang kapulisan sa mga security guards.

Ayon kay Police Supt. Armando Muena, ang hepe ng Malasiqui PNP, ang mga security agencies ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng kapulisan.

Ang local Police Operation Officer ang siyang tumututok sa lahat ng mga security guards na nakatalaga sa mga establisemyento, bangko at iba pa.

Tinitignan ng police ang kanilang pananamit, mga kaukulang dokumento at kung gaano ka-alerto ang mga ito sa paggampan sa kanilang trabaho.

Iginiit din ni Muena na hindi dapat i-uwi ng security guard ang kaniyang service firearms.

Speak Your Mind

*