Japan, apektado ng malawakang pagbaha dahil sa pananalasa ng bagyo

Apektado ngayon ng malawakang pagbaha at landslides ang North-Eastern part ng Japan dahil sa pananalasa ang bagyo na may International name na Etau.

Dahil dito, nasa siyamnapung libong katao ang inilikas mula sa kanilang mga bahay.

Sinasagip na rin ng mga helicopter rescue teams ang mga naipit sa kanilang mga rooftop.

Nasa walong katao na ang nawawala habang isandaan pa ang kailangang i-rescue.

Naniniwala si Japan Meteorological Agency Chief Forecaster Takuya Deshimaru, abnormal ang sitwasyon doon.

Ayon naman kay Department of Foreign Affairs Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose, wala pang pilipinong napaulat na apektado sa nasabing mga pagbaha.

Speak Your Mind

*