Kaso ng dengue sa Pangasinan, tumaas na sa limampung porsyento ngayong taon

Patuloy na tumataas ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito, ayon sa Pangasinan Provincial Health Office (PPHO) matapos umabot na sa halos dalawanlibo limandaan limamput tatlo (2,553) ang kaso ng dengue na naitala mula sa buwan ng Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Mas mataas ito ng aabot sa limampung porsyento kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon na nakapagtala lamang ng isanlibo pitondaan pitumpot anim (1,776) na kaso.

Ganunpaman, sinabi ni PHO Officer Dr. Anna Maria de Guzman na ngayong buwan ay hindi pa naman umaabot sa tinatawag ng epidemic threshold kumpara nitong nakaraang buwan ng Agosto na umabot sa tinatawag ng alert threshold.

Samantala, patuloy naman nagpapaalala ang PHO sa publiko na ugaliin ang paglilinis sa kapaligiran na maaring pangitlugan ng lamok upang maiwasan ang nakamamatay na sakit ng dengue.

Speak Your Mind

*