Siyam na pung indibidwal na dawit sa Mamasapano Encounter, kinasuhan na sa DOJ

Pormal ng kinasuhan ang siyam na pung indibidwal na nasa likod ng umano’y pagkamatay ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force noong Enero a-bente singko.

Sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na kabilang sa sinampahan ng kasong complex crime of direct assault with murder ay ang dalawampu’t anim na Moro Islamic Liberation Front (MILF), labing dalawang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), limangpu’t dalawang Private Armed Groups at unaffiliated individuals.

Base sa limang eye witnesses, aabot sa isang libong indibidwal ang sangkot sa engkwentro pero siyam na pung katao lang ang nakilala rito.

Sa ngayon ay hindi muna ilalabas ng DOJ ang pagkakakilanlan ng mga kakasuhan habang hindi pa naihahain ang subpoena sa mga ito.

Nilinaw din ni de Lima na walang kinalaman ang napaulat na “Alternative Version” ng pangulo sa pagsasampa nila ng reklamo kaugany ng Mamasapano Encounter.

Speak Your Mind

*