Text scam, hindi pa rin daw inaaksyunan ng NTC at Telcos

Nagisa ng husto sa pagdinig ng Senate Committee on Public Service ang mga opisyal ng National Telecommunication Commission at Telecommunication Company.

Ito ay may kaugnayan sa usapin ng text scam na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin umano naaaksyunan ng ahensya.

Kinuwestyon ni Senador Villar sa mga opisyal ng NTC at Telcos kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito na bibigyan ng solusyon ang naturang modus operandi.

Matatandaan na naghain ng reklamo ang Senadora sa NTC na dahil sa naturang text scam kung saan ay ginagamit umano ang Villar Foundation para makapangloko.

Dahil dito, iginiit ng Senadora na kung wala pa ring aksyong magagawa ang NTC sa naturang text scam ay magsusulong ito ng batas na mag-oobliga ng mandatory registration ng mga Prepaid Sim-Card.

Speak Your Mind

*