2 buwan na price freeze sa presyo ng bilihin, ipinapatupad ng DTI-Pangasinan

Magtatagal ng dalawang buwan ang ipinapatupad ngayon na price freeze ng Department of Trade and Industry (DTI)-Pangasinan matapos manalasa sa lalawigan ang bagyong Lando.

Ipinaliwanag ni Engr. Peter Mangabat, ang Provincial Director ng DTI na wala dapat pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Giit nito na kung ano ang presyo ng basic at prime commodities bago manalasa ang bagyo ay dapat manatili.

Ang mga lalabag sa nabanggit na kautusan gaya ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay sasampahan ito ng kasong profiteering sa ilalim ng Price Act.

Speak Your Mind

*