BFAR-NIFTDC, handang tumulong sa mga may problema sa kanilang palaisdaan

Nag-aalok ngayon ng tulong ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga may problema sa palaisdaan.

Ayon kay BFAR-NIFTDC Chief Dr. Westly Rosario nagbibigay ang kanilang ahensya ng teknikal na tulong lalo na ngayong papalit-palit ang lagay ng panahon.

Sinabi ni Rosario na mayroong kagamitan ang BFAR na kanilang pwedeng dalhin para matulungan ang mga mangingisda, lalo na kapag nakaranas ang mga ito ng paggataw ng isda.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay ilang palaisdaan ang nakapagtala ng paggataw na isda dahil sa kulang ng dissolved oxygen ang tubig.

Ang BFAR ay mayroong instrumento sa pagdetermina ng oxygen level sa katubigan.

Gayundin, tinulungan ng ahensya ang mga mangingisda na namrublema sa pagsulpot ng asul na tahong sa bayan ng Anda.

Kumuha ang BFAR sa lugar ng sample ng tahong para sa kaukulang eksaminasyon, at tinukoy ang lalim at alat ng tubig kung saan ito natagpuan.

Speak Your Mind

*