Dalawang taong bata, biktima ng ligaw na bala sa bayan ng Balungao

Isang batang babae sa bayan ng Balungao, Pangasinan ang ini-report sa himpilan ng pulisya na biktima ng ligaw ng bala.

Sa report ng Balungao PNP, habang natutulog ang dalawang taong gulang na biktima sa kanilang tahanan sa barangay Mauban, dakong alas syete y medya kagabi ay tinamaan ito ng bala sa kanang bahagi ng hita.

Sa inisyal na imbestigasyon ay nahulog mula sa bubong ng bahay ang bala ng baril.

Agad naman na naitakbo ang bata sa isang clinic sa bayan ng Rosales.

Nakakuha ng isang tingga ng bala ang police at isinumite na rin ito sa Crime Laboratory Office sa lungsod ng Urdaneta para sa kaukulang eksaminasyon.

Nagsasagawa pa rin ng karagdagang imbestigasyon ang otoridad kaugnay ng naganap na insidente.

Speak Your Mind

*