Dating MMDA Chairman Tolentino, sinampahan ng ikalawang kaso

Sinampahan ng ikalawang reklamo ng Women Rights Group na Gabriela si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino.

Ang kaso ay may kaugnayan sa umanoy malaswang pagsayaw ng grupo ng mga kababaihan sa selebrasyon ng kaarawan ni Cong. Benjie Agarao sa Laguna.

Nahaharap si Tolentino sa kasong paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at ang paglabag sa Magna Carta of Women.

Bukod kay Tolentino, kasama rin sa kinasuhan ang isang John Does na napag-alaman ng Ombudsman na umanoy nakikialam sa imbestigasyon.

Nakasaad sa reklamo na criminally liable si Tolentino kahit nagbitiw na siya bilang chairman ng MMDA nang mangyari ang  insidente.

Nauna nang itinanggi ni Tolentino na siya ang nagdala ng grupo ng kababaihan para sumayaw sa birthday party ni Laguna Representative Benjie Agarao.

Ayon kay Gabriela Party List Representative Emmi De Jesus, bilang isang opisyal ng gobyerno ay may karapatan si Tolentino na ipatigil ang anumang malalaswang gawain.

Kailangan aniyang maturuan ng leksyon ang mga gumawa nito upang hindi na muling maulit ang insidente.

Speak Your Mind

*