Deped Region 1, handa sa pagpapatupad ng Senior High School Program

Napaghandaan na ng Department of Education (Deped) ang pagpapatupad ng senior high school program.

Kinumpirma ni Dr. Darios Nieto, ang Information Officer ng Deped Region One na naipasa na ang budget para sa programa.

Sinabi ni Nieto sa sonshine radio na ngayon lang nangyari na ang budget sa pagpapatayo ng classrooms ngayong taon ay isinama na rin hanggang sa susunod na taon.

Hindi aniya gaya ng nakaraang mga taon na ang inilalaan na pundo ay para lang sa kasalukuyang taon.

Ani Nieto, kasalukuyan nang ipinapatayo ng Deped ang mga classrooms para sa mga incoming grade eleven at grade twelve.

Gayunman, aminado naman ito na marami pang pangangailangan na classrooms para sa regular classes.

Samantala, bilang paghahanda sa k to 12 ng Deped ay natapos nang sumailalim sa pagsasanay ang mga guro sa grade nine at grade ten, susunod na rin ang grade eleven.

Speak Your Mind

*