Mahigit 50 katao, nasawi sa tatlong magkakahiwalay na pagsabog sa Iraq

Mahigit sa limampung katao ang nasawi sa tatlong magkakahiwalay na pagsabog sa bansang Iraq kahapon.

Limampu’t lima katao ang nasawi habang pitumpu naman ang sugatan nang pinasabog ang isang sasakyan sa diyala province ng Baghdad.

Sa isa pang insidente sa timog-silangang bahagi ng lungsod ay dalawa naman ang nasawi habang walo ang sugatan sa isa ring car bombing.

Samantala, siyam naman ang nasawi at dalawampu’t dalawa ang sugatan nang pinasabog naman ang isang sasakyan sa commercial street ng bayan ng Al-Zubayr sa Basra.

Inako naman ng teroristang grupong ISIS o Islamic State of Iraq and Syria, batay sa post ng kanilang social media account ang Al-Zubayr Bombing.

Wala namang grupong umako na responsibilidad sa dalawang atake.

Speak Your Mind

*