Sharon Cuneta, aminadong masama ang loob sa FAMAS

Aminado si Megastar Sharon Cuneta na na-hurt siya matapos hindi makasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga binigyan ng Iconic Movie Queens of Philippine Cinema Award ng FAMAS kamakailan.

Ang mga nabigyan ng nabanggit na award ay sina Susan Roces, Sarah Geronimo, Maricel Soriano, Gloria Romero, Dawn Zulueta at Nora Aunor.

Sinabi ni Sharon na medyo na-offend siya sa ginawa ng nasabing award-giving body dahil alam niya sa kanyang sarili na kahit paano’y nakagawa rin naman siya ng mga pelikulang maaaring ipagmalaki ng dekada 80 hanggang 90.

Kasabay nito, nagpasalamat naman si Sharon kay ate Guy dahil sa pagkakabanggit nito sa kanyang pangalan sa naging acceptance speech nito noong awards night

Ayon sa Superstar, gusto nyang hatiin ang karangalan sa mga taong sana’y makita rin sa entablado sa mga susunod na taon, unang-una na rito si Sharon ng dekada otsenta.

Speak Your Mind

*