San Miguel Beermen, panalo kontra Phoenix Fuel Masters

Muli namang nakasungkit ng panalo ang San Miguel Beermen matapos niting talunin ang Phoenix Fuel Masters sa iskor na 121-109 sa 2016 PBA Commissioners Cup.

Sa naging laro, lamang ang Fuel Masters ng 19 puntos unang half ng laro ngunit napababa ng Beermen ang lamang bago matapos ang first half.

Ngunit pagpasok ng second half, dito na humataw ang Beermen kung saan lumamang ito ng siyam na puntos sa iskor na 87-78 sa pagtatapos ng 3rd quarter.

Nagawa namang mapanatili ng San Miguel ang kanilang lamang kontra Phoenix hanggang sa matapos ang laro sa iskor na 121 – 109.

Pinangunahan ni Wikerson ang panalo ng San Miguel matapos kumamada ng 40 puntos.

Samantala, sa sunod na laro, tinalo naman ng Rain or Shine Elasto Painters ang Blackwater Elite sa iskor na 118 – 107.

Speak Your Mind

*