Deped Region 1, “Hall Fame Award” parin sa pagpapatupad ng Brigada Eskwela

Nananatiling hawak ng Department of Eduction o Deped Region 1 ang “Hall Fame Award” sa pagpapatupad ng Brigada Eskuwela” sa buong bansa.

Ito ayon kay Dr. Darius Nieto, Public Information Officer ng Deped Region 1, ay dahil sa tagumpay at suportang natatanggap ng ahesya sa ipinapatupad ng brigada eskwela.

Idinagdag pa ni Nieto na umaabot sa milyong piso ang natitipid ng gobyerno dahil sa ipinatutupad na Brigada Eskwela dahil narin sa pagtutulungan ng ibat-ibang sektor ng lipunan.

Samantala, isasagawa naman aniya ng Deped Region 1 ang kick off ceremony ng Brigada Eskwela ay Tayug National High School dito sa Pangasinan sa darating na Mayo a-trenta at inaasahang dadaluhan ito ni Deped Under Secretary Alberto Muyot.

Speak Your Mind

*