Grade 11, libreng makapag-aaral sa private school dahil sa Senior High School Voucher Program

Libreng makapag-aaral sa private school ang mga mag-aaral na mapapabilang sa senior high school voucher program ng Department of Education (DepEd).

Sinabi ni Darius Nieto, Public Information Officer ng DepEd Region 1, na ang mga private school ay may subsidies ng pamahalaan sa pamamagitan ng GASTPE o Government Assistance to Student and Teacher in Public Education o ang tinatawag na Senior High School Voucher.

Ang makukuha umano ng mga mag-aaral na P17,500 mula sa subsidiya ng pamahalaan sa public school ay magsisilbi namang tiution fee ng mga mag-aaral kung papasok ito sa private school.

Nilinaw naman ni Nieto na kung ang ibang private school ay may mataas ng tuition fee na lampas na sa P17,500 ay babayaran na ito ang kanilang magulang.

Speak Your Mind

*