CAO-Dagupan, patuloy na isinusulong ang pag-tag sa ibinibentang bangus

Patuloy na isinusulong ng City Agriculture Office ng Dagupan ang pagta-tag sa produktong bangus sa lungsod ng Dagupan upang matiyak ang kalidad ng bangus na mula sa lungsod.

Ayon kay Emma Molina, Agriculturist ng Dagupan na malaking tulong ang pagpapa-tag sa mga itinitindang bangus upang ipabatid sa mga mamimili ang kalidad ng kanilang produkto.

Nilinaw naman ni Molina na hindi nila ipinapilit sa mga fish vendor ang pagta-tag sa bangus dahil ito ay voluntary lamang.

Dagdag pa ni Molina na isusulong din nila ang paglalagay ng serial number sa tagging upang matiyak na hindi ito mapeke at mas mapayadong pa ng produktong bangus ng Dagupan.

Speak Your Mind

*