Fire Safety Inspection sa mga boarding house, ipinapatupad ng BFP San Carlos

Mahigpit na ipinapatupad ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang Fire Safety Inspection sa mga dormitory, boarding house at mga paaralan sa lungsod ng San Carlos.

Ito ayon kay SF04 Gaudecio Apostol ng BFP San Carlos kaugnay sa ipinapatupad na “Brigada Eskwela” bilang paghahanda sa pagsisimula ang klase.

Sinabi naman ni Apostol, na hindi lahat ng mga ito na nakakacomply sa fire safety inspection dahil ilang mga pagkukulang.

Tiniyak naman ng San Carlos City Fire Station na tuloy-tuloy ang kanilang kampanya upang maiwasan ang sunog partikular na sa mga paaralan at ilang barangay sa pamamagitan ng Information Dissemination at training and seminar.

—–

Tatlong kaso ng sunog, naitala ng BFP San Carlos ngayong taon

Nakapagtala na ng tatlong kaso ng instructural fire ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa San Carlos City ngayong taon.

Ito ang sinabi ni SF04 Gaudecio Apostol ng BFP San Carlos sa panayam ng sonshine radio, ngunit mas marami umano sa kanilang naitalang kaso ay mga grassfire.

Madalas naman aniyang dahilan ng sunog sa instraktura ay ang hindi tamang pagkakabit ng electrical wiring habang sa grassfire naman ay linya ng kuryente at napabayaang basura na sinusunog.

Ganunpaman, nagpapasalamat naman si Apostol sa suportang ibinibigay ng kanilang local executive lalo na sa kanilang fire truck.

Speak Your Mind

*