Labin tatlong kaso ng maternal death, naitala sa Pangasinan

Labin tatlong kaso na ng maternal death o namatay sa panganganak ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan nito lamang buwan ng Enero hanggang Abril.

Ayon kay Aurora Doria, Maternal Health Program Manager ng Provincial Health Office (PHO), posibleng tumaas pa ang naitalang kaso dahil wala silang hawak nang opisyal na record sa buwan ng Mayo at Hunyo.

Dahil dito, patuloy na hinihikayat ng PHO ang mga buntis na regular na magpa-check up para maiwasan ang komplikasyon sa pagbubuntis na posibleng mauwi sa pagkamatay.

Samantala, inihayag naman ni Doria na upang malimitaan ang pagbubuntis at bilang ng mga anak nagsasagawa umano ng PHO ng libreng ligation and vasectomy.

Si Aurora Doria, Maternal Health Program Manager ng Provincial Health Office ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*