Mangrove reforestation, patuloy na isinusulong sa Pangasinan

Patuloy na isinasulong ng Provincial Government ng Pangasinan ang mangrove reforestation bilang bahagi sa environmental program ni out going Governor at Congressman elect Amado T. Espino Jr.

Ito ang inihayag ni Zeny Ogaban, Fisheries Supervisor ng Office of Provincial Agriculture (OPAG) sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kasabay sa isinagawang mangrove tree planting activity ng Sonshine Philippine Movement.

Ayon kay Ogaban, labin tatlo mula sa labin apat na coastal area at apat na inland manicipality gaya ng Calasiao, Mangaldan, Bugalon at San Carlos City ang natataniman ng mga mangrove.

Mahalaga ani Ogaban ang pantatanim ng mangrove dahil bukod sa magsisilbi itong pamahayan ng mga isda, makapipigil sa pagguho ng lupa ay magiging panangga din ito laban sa mga kalamidad.

Speak Your Mind

*