Poe, nagpaliwanag sa pagiging top spender sa Presidential Elections

Nagpaliwanag si Sen. Grace Poe kung bakit siya ang naitalang pinakamagastos sa mga tumakbong presidente na nakapaghain na ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Ayon kay Poe, ipinapakita lamang nito kung gaano ka-challenging ang kaniyang pagkampanya bilang independent candidate.

Bilang independent candidate, kinailangan aniyang umasa ni Poe sa media ads dahil sa kawalan ng makinarya na meron ang isang political party.

Sinabi rin ni Poe na hindi tulad ng kaniyang mga nakatunggali, walang tumulong na mga political party para sa kaniyang campaign expenses.

Gayunman, nagpapasalamat si Poe sa ilang mga supporters na tumulong sa kaniya sa mga gastos para sa mga aktibidad noong kampanya.

Mahigit sa limandaang milyong piso ang idineklarang ginastos ni Poe sa nagdaang eleksyon.

Speak Your Mind

*