Regional Launching ng Listahanan Database ng DSWD, pinaghahandaan na

Pinaghahandaan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 ang Regional Launching ng 2016 Listahanan Database Program na gaganapin sa Hulyo a-22 sa Laoag City.

Ayon kay Jaymante Pearl Apilado, Adminstrative Assistant III, DSWD Field Office 1, malalaman sa Regional Launching ang initial na listahan ng poor households mula sa ibat-ibang probinsya ng rehiyon kabilang na ang Pangasinan, La Union, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Inaasahan naman na dadalo sa naturang okasyon ang mga local officials, mga Municipal at Provincial Social Welfare Development Officer at lahat ng mga regional line agency.

Kinumpirma naman ni Apilado na magiging panauhing pandangal sa naturang regional launching ng listahanan si DSWD Undersecretary Florita Villar.

Speak Your Mind

*