“Rubio Cop”, nag-ikot sa mga paaralan sa Pozorubio sa unang araw ng klase

Pinagkaguluhan ang mga mag-aaral sa Pozorrubio Central Elementary School sa pagbubukas ng unang araw ng klase kahapon ang pag-iikot ni “Rubio Cop”.

Dala ng mensahe ni Rubio Cop ang mga paalala at babala para sa ligtas na pag-aaral ng mga kabataan sa loob at labas ng paaralan.

Layun din ng programa na mailapit ang loob at magtiwala ng mga bata sa hanay ng kapulisan

Sinabi ni PC/Insp. Ryan Manongdo, Chief of Police ng Pozorrubio PNP na mabisang paraan ang binuong rubio cop na maturuan ng mga crime prevention tips gaya ng krimen at aksidente.

Kasabay nito, hinikayat din ng Pozorrubio PNP ang publiko na maging bahagi sa programa para matagumpay na pagsisimula ng pasukan.

Speak Your Mind

*