Sen. Lacson, nagpahiwatig sa magiging liderato ng senado sa 17th congress

Nagpahiwatig si Senator-Elect Panfilo Lacson sa magiging larawan ng senado sa ika-labimpitong kongreso kung saan si Senador Koko Pimentel umano ang magiging Senate President.

Sa kanyang twitter account, sinabi ni Lacson na si Drilon na ang magiging Senate Pro Tempore habang si Senator-Elect Tito Sotto naman ang magiging Majority Leader.

Si Drilon ay ang kasalukuyang Senate President habang si Sotto ay Deputy Minority Leader.

Si Pimentel naman ang presidente ng PDP-Laban kung saan Chairman si President-Elect Rodrigo Duterte.

Samantala, sinabi naman ni Senate President Drilon na wala siyang alam sa pahayag na ito ni Lacson.

Aniya, siya pa rin ang mananatiling Senate President kung may iba pang senador na makakakuha ng labintatlong boto para pangunahan ang senado.

Speak Your Mind

*