5 Nursing Board Exam Topnotchers mula Pangasinan, tumanggap ng insentibo

Limang nurses mula sa ibat-ibang unibersidad sa lalawigan ng Pangasinan ang kabilang sa Topnotchers sa June 2016 Nurses Licensure Examination (NLE).

Mula sa 819 na nursing gradweyts na kumuha ng NLE, si Mae Beann Asuncion, nagtapos sa University of Pangasinan-Phinma, ay pang walo, at makakuha ng 85.40% sa nasabing pagsusulit.

Bukod kay Asuncion, apat na Nars pa ang naging topnotchers: si Nariel mangOnon ng Mangaldan, ay 11th placer at nagtapos sa Lyceum Northwestern University; si Raiza Joy Liaa Oriel ng Binalonan ay 14th placer at nagtapos sa UPANG-Phinma; Walter Patrick Torio ng Lingayen ay 14th placer, at nagtapos sa Colegio de Dagupan; at Shaira Louisse Siapno ng Calasiao, 17th placer at nagtapos mula UPANG-Phinma.

Bilang pagkilala sa nakamit nilang tagumpay, ang bawat isa sa limang nurses ay tumanggap ng tig P5,000 mula sa provincial government ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*