Bilang ng mga sumusukong drug personalities sa Dagupan, dumarami

PNP AbrahanoUmabot na sa 429 na mga gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga ang kusang loob na sumuko sa Dagupan City PNP simula ng mahigpit na ipatupad ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-ilegal drugs campaign.

Sa Kapisanan ng mga Broakaster ng Pilipinas o KBP Forum, inihayag ni P/Supt Christoper Abrahano, Hepe ng Dagupan PNP na patuloy na dumarami ang bilang ng mga boluntaryong sumusuko sa lungsod.

Nakapagtatala aniya ang PNP At Local Government Unit ng lima hanggang sampung drugs personalities na sumusuko bawat araw.

Ayon pa kay Abrahano, nakapagtala narin ng walumpot isang (81) “Oplan Tokhang” o tutok, hangyu ang naipatupad ng pnp sa ibat-ibang barangay sa Dagupan.

Nasa labing pito (17) naman umano ang naisagawang anti-drug operation kung saan labin anin (16) rito ang naarestong suspek.

Ang tinig ni P/Supt Christoper Abrahano, Hepe ng Dagupan City PNP.

Speak Your Mind

*