Birthing clinic sa Alaminos City, libreng serbisyo ang ibinibigay

Libreng serbisyo ang ibinibigay ng pamahalaang panglungsod ng Alaminos para sa mga buntis hanggang sa kanilang panganganak ang kanilang bagong Birthing Clinic.

Ito ang inihayag ni Alaminos City Mayor Arthur Celeste sa ginanap na KBP Forum kasabay sa inilunsad na Early Childhood Care and Development (ECCD) intervention package program ng National Nutrition Council (NNC) Region 1.

Ayon kay Celeste, prayoridad ng city government na matiyak ang kaligtasan ng mga ina kayat mula pagbubuntis hanggang sa panganganak kayat wala silang binabayaran sa paggamit ng nasabing pasilidad.

Bukas naman aniya 24 hour para sa lahat ng residente sa unang distrito ng Pangasinan ang nasabing aircondition birthing clinic lalo na sa panahon ng emergency.

Target umano ng Alaminos City Government na makamit ang zero maternal mortality rate, kayat naglaan ng karampatang pondo para sa health services.

Speak Your Mind

*