Maximum tolerance, kailangan sa pagpapatupad ng Anti-Hawking sa Dagupan

Kinakailangang magpatupad ng maximum tolerance para maayos na mapangasiwaan ang Anti-Hawking sa lungsod ng Dagupan.

Ito ayon kay City Action Service Team (CAST) Chief Ret. SPO4 Carlito Ocampo ay dahil maraming mga ambulant vendor ang pasaway at hindi pagsunod sa ipinapatupad na batas.

Ganunpaman, sinabi ni Ocampo na wala pa naman silang naitatalang kaso ng nagkakasakitan sa pagitan ng Task Force Anti-Hawking at mga ambulant vendor.

Pagmamalaki pa ng opisyal na sa katatapos lang na tiange sa Galvan at Zamora St., kung saan pinuwestuhan ito ng mga vendor ay masasabing ito na ang pinakamalinis sa record ng Dagupan.

Ang tinig ni Ret. spo4 Carlito Ocampo, hepe ng City Action Service Team (CAST) ng Dagupan City.

Speak Your Mind

*