Mga mahahatulang guilty sa Plunder, ipinanukalang isama sa Death Penalty

Ipinanukala ng ilang mambabatas na isama sa papatawan ng parusang kamatayan ang mga mahahatulang guilty sa Plunder.

Ito ang nakapaloob sa House Bill 001 na inihain nina incoming House Speaker Pantaleon Alvarez at Capiz Representative Fredenil Castrol.

Ayon kina Alvarez at Castrol, hindi na sapat ang kasalukuyang batas para takutin ang mga kriminal.

Maliban sa Plunder, nakalinya rin sa Death Penalty ang Carnapping at Drug Trafficking.

Una nang ipinanukala nina Alvarez at Castro na ibaba sa siyam na taong gulang ang minimum age para sa Criminal Responsibility.

Speak Your Mind

*