PBEF, kailangan sa pag-generate ng “My Philhealth Portal”

Inihayag ng Philhealth Region 1 na ang PBEF o Philhealth Benefit Eligibility Form ay isang pangunahing dokumento na kailangan sa pag-generate ng My Philhealth Portal.

Ayon kay Dr. Ferdinand Guiang, ng Philhealth Region 1 na ang PBEF ay naglalaman ng impormasyon kung ang isang pasyente ay maaari o karapat dapat makapag-avail ng Philhealth benefits.

Nilinaw naman ni Guiang na dapat ang mga Philhealth members ay kuwalipikadong dependent, may sapat na premium contribution at nakakasunod sa 45 day limit para maka-avail ng Philhealth benefits.

Sa pamamagitan naman aniya ng pag-access sa My Philhealth Portal gamit ang PBEF ay malalaman kung paano makapag-avail ng benepisyo ang isang pasyente ng hospital.

Maaari naman aniyang magsumite ng Philhealth Claim Form 1, member data record, birth certificate o marriage contract at proof of payment bilang supporting document kapag “No” ang lumabas sa My Philhealth Portal para makakuha ng benepisyo.

Speak Your Mind

*