PDEA, kinumpirma na may ilang alkalde sa Pangasinan na sangkot sa iligal na droga

Kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Isidro Lapena na may ilang alkalde sa lalawigan ng Pangasinan ang kabilang sa sangkot sa iligal drugs.

Ito ang nabagit ng bagong director ng pdea sa pagbisita nito sa lungsod ng Urdaneta batay sa huling datos ng kanilang ahensya kaugnay sa iligal drugs.

Sinabi ni lapena na may natatanggap silang report na mayroong mayor sa lalawigan na sangkot sa iligal na droga pero walang siyang hawak kung ano ang eksaktong bilang ng mga ito.

Inihayag naman ni PS/Supt. Ronald Lee, Officer-in-Charge ng Police Provincial Office (PPO) na wala pa naman hawak na listahan lalo na ang mga big time iligal drug gaya ng narco-politics.

Speak Your Mind

*