PHO, patuloy na hinihikayat ng publiko sa boluntaryong pagdodonate ng dugo

Nagpapatuloy parin ang mobile blood donation activity ng Provincial Health Office (PHO) kasabay sa selebrasyon ng Blood Donors Month ng Hulyo.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Eugene Carlos Paragas, Blood Donation Program Manager ng PHO, bagamat nakalampas na sa tinatawag na lean month ay kinakailangan parin ngayong buwan ng sapat na suplay ng dugo.

Ayon pa kay Paragas, dalawang uri ng pasyente ang nangangailangan ng dugo, ito ang emergency cases at elective cases gaya ng mga inooperahan, may mga kanser at nanganganak.

Upang matugunan ang pangangailangan ng dugo sa Pangasinan, hinihikayat ng PHO ang publiko ang boluntaryong pagdodonate ng dugo, at makiisa sa programang “Dugo Ko, Dugtong ng Buhay Mo”.

Nabatid ang mga benepisyong maibibigay sa katawan ng pagdodonate ng dugo kabilang na ang magandang kalusugan,  nagbuburn ng 650 calories ng katawan, pinapababa ang mga banta ng pagkaakroon ng sakit sa puso, stroke at kanser.

Speak Your Mind

*