Andi Eigenmann, ayaw nang makipagbalikan kay Jake Ejercito

“Wala na”.

Ito ang naging sagot ng Kapamilya aktres na si Andi Eigenmann ng tanungin kung may pag-asa pa bang magkabalikan sila ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Say ni Andi, natutunan na niyang tanggapin na kahit si Jake ang kanyang greatest love, hindi ibig sabihin na ito na ang kanyang makakasama habambuhay.

Nakamove on na rin aniya siya sa relasyon nila Jake.

Inamin din ng kapamilya aktres na sa ilang taon nilang relasyon ni Jake ay nasaktan siya sa pagdedeny nito sa kanya.

Sa ngayon, masaya na umano si andi sa kanyang bagong boyfriend na ayaw na muna niyang pangalanan.

Speak Your Mind

*