DOLE-Central Pangasinan, kinumpirma na naglabas na ng memo kaugnay sa Endo

DOLE BailonKinumpirma ng Department of Labor and Employment o DOLE-Central Pangasinan na nagkaroon na nang pag-uusap ang lahat ng mga opisyal ng kagawaran kaugnay sa Endo o End of Contract.

Ito ang inihayag ni Engracio Bailon, Chief ng DOLE-Central Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radion kung saan makalipas umano ang isang linggo matapos ang pag-uusap ay naglabas na ng Memorandum Order 162 ang DOLE.

Ayon kay Bailon, ang naturang memorandum ay isang kautusan na nagsu-suspindi sa lahat ng registration ng new applicant ng mga contractor at mga sub-contractor sa ilalim ng Department Order no.18-a.

Inatasan na rin umano ang mga DOLE Regional Office na magsumite ng listahan ng establisyemento na nagpapatupad ng kontraktuwalisasyon sa kanilang mga lugar

Nabatid na ang Endo ay isang kasunduan sa paggawa kung saan ang manggagawa ay kinukuha lamang para magtrabaho ng may limang buwan at wala silang security of tenure, monetary, non-monetary, at iba pang benepisyo.

Speak Your Mind

*