Higit P1 dagdag presyo sa mga produktong petrolyo, nakaamba

Posibleng magpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis bukas, araw ng Martes.

Ayon sa energy source, papalo sa uno kuwarenta hanggang uno singkuwenta ang umento sa kada litro ng diesel habang uno trenta’y singko hanggang uno singkuwenta naman sa gasolina.

Inaasahan din ang dagdag presyo sa kada litro ng kerosene na aabot sa uno kuwarenta hanggang uno singkuwenta.

Ang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo sa world market.

Speak Your Mind

*