Kaso ng dengue sa Pangasinan, pumalo na sa 1,486

Pumalo na sa mahigit isang libo o eksaktong 1,486 ang naitalang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon habang pito katao na ang italang namamatay

Ngunit ayon sa tala ng Provincial Health Office (PHO) mas mababa ito kumpara sa naitalang kaso ng dengue noong nakaraang taon na umabot sa 1,703 at labing dalawa katao rito ang namatay.

Ang naturang pagtaya ay isinagawa mula buwan ng Enero hanggang Agosto a-dise sais ngayong taon kung saan karamihan sa mga biktima ng dengue ay mga batang lalaki na nasa edad 10 hanggang 14 taong gulang.

Samantala, patuloy namang monimonitor ang mga bayan na may mataas ang kaso ng dengue kabilang rito ang bayan ng Asingan na may 122 kaso, Pozorubio na may 85 na kaso, Mangaldan (63), San Fabian (63), Malasiqui (57), San Carlos City (54), Calasiao (53), Sta. Maria (50), Umingan (50), Bayambang (48), Mabini (41), Alaminos (39) at Binalonan (39).

Speak Your Mind

*