Libreng chest x-ray ngayong National Lung Month, isasagawa ng PHO

PHO Rachel ZarateNakatakdang magsagawa ng mapping-up ang Provincial Health Office (PHO) sa anim na bayan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito kay Rachelle Zarate, Health Education Promotion Officer ng PHO ay kaugnay parin sa selebrasyon ng national lung month ngayong agosto.

Ayon pa kay Zarate, ang mga bayan ng Binalunan, Sison, Aguilar, Bogalon, San Carlos at Basista ng kanilang napiling suyurin para mabigyan ng libreng chest x-ray ang isang daang residente sa lugar.

Inaasahan namang isasagawa ito sa darating na Sepyembre a-bente sais hanggang a-trenta ngayong taon.

Una rito, magsasagawa rin ng nasabing pagsusuri sa bayan ng Calasioa sa August 31 kung saan prayoridad dito ang mga residente na nakakaranas ng ilang linggo’ng pag-uubo.

Speak Your Mind

*