Pagpangalan ni Duterte sa mga narco-politics, paglapastangan sa ‘Bill of Rights

Hindi tinututulan ng mga senador ang pinaigting na kampanya laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit sa pagpangalan sa opisyal ng pamahalaan na sangkot sa droga o ang shame campaign na tinatawag  nanindigan ang ilang senador na kailangang pairalin pa rin ang due process upang hindi malabag ang Bill of Rights.

Kapwa sang-ayon sina Senador Franklin Drilon at Leila De Lima na dapat ay pairalin pa rin ang due process.

Base sa pahayag ni Sen. Drilon  kailangan alinsunod pa rin sa batas ang ipinatutupad na kampanya laban sa droga upang mabigyan ng pagkakataon ang mga akusado na maipagtanggol ang kanilang sarili.

Kasabay nito sinabi ni Drilon nakakalungkot anya na ang shame campaign na pinaiiral ni duterte ay hindi nakabase sa ebidensya.

Idiniin naman ni De Lima na dapat ay mag file muna ng kaso laban sa mga akusado bago pangalanan ang mga ito sa publiko dahil posible anyang malapastangan ang Bill of Rights

Speak Your Mind

*