Senador Trillanes, nanindigang hindi hadlang ang Libel Case para siya ay magsalita

Nanindigan si Senador Antonio Trillanes na patuloy pa rin siya sa pagiging kritiko ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Trillanes, hindi maaapektuhan ng kinakaharap niyang Libel Case ang pagsasabi ng totoo laban sa kasalukuyang Administrasyon.

Magugunita na una ng nagpasok ng not guilty plea ang senador para sa mga kasong libelo na inihain ni dating Makati Mayor Junjun Binay, bunsod ng alegasyon kaugnay sa umano’y Binay Syndicate sa lungsod ng Makati.

Ginawa ang arraignment sa Makati Regional Trial Court branch 142.

Nakatakdang gawin ang pre-trial sa buwan ng Nobyembre kapag naresolba na ang mga nakabinbing mosyon at petisyon.

Speak Your Mind

*