Tumaas na bilang ng mga bumisitang Chinese Tourist, ipinagmalaki ng DOT

Ipinagmalaki ni Department of Tourism Secretary Wanda Corazon Teo na tumaas ang bilang ng bumisitang Chinese Tourist sa bansa ilang buwan matapos na paboran ng International Court ang Pilipinas kaugnay sa West Philippine Sea.

Ayon kay Teo, tumaas ito ng animnapu’t apat na porsyento mula sa dating 257, 014 arrivals noong January hanggang July ng nakaraang taon kumpara sa 422, 801 arrivals sa parehong panahon ngayong taon.

Sinabi rin ni Teo na panandaliang bumagsak ang Chinese Tourist Arrivals matapos ilabas ng International Court ang nasabing desisyon ngunit agad rin namang nakarekober sa mga sumunod na linggo.

Patunay aniya ito na nananatiling safe place ang bansa sakabila ng travel warnings dahil sa mga International Politics.

Speak Your Mind

*