FIFA world ranking ng Azkals, tumaas

Tumaas ang World Ranking National Football Team ng Pilipinas na Azkals, ayon sa pinakabagong listahan na inilabas ng FIFA.

Mula sa 125, pumuwesto sa ika-124 ang Azkals, mas mataas sa Bahrain na tumalo sa grupo sa isang friendly match.

Natalo ng Bahrain ang Azkals ngayong buwan sa iskor na 1-3 at natalo rin ang Azkals sa north korea sa iskor na 1-3.

Naghahanda na ang Azkals sa AFF Suzuki Cup na magsisimula sa Nobyembre 19.

Kabilang sa paghahanda ang isa pang friendly match ng koponan laban sa Kyrgyzstan.

Speak Your Mind

*