Mga miyembro ng 4P’s sa bayan ng Bautista, sumasailalim sa Housekeeping training

Kasalukuyan ngayong nagsasagawa ng housekeeping training ang Depatrtment of Social Worker and Development (DSWD) sa mga miyembro ng 4P’s o Pantawid Pamilya Pilipino Program sa bayan ng Bautista, Pangasinan.

Ayon kay Christian Genesis Biazon, Project Development Officer II ng DSWD ang program na tatagal ng hanggang tatlumpong araw na layong suportahan ang mga miyembro ng 4P’s na maiangat ang kanilang kabuhayan.

Sinabi pa ni Biazon na lahat ng mga sumailalim sa training ay mayroon ng guarantee employer at mayroon ng tyansya na makapag-trabaho sa ibang bansa.

In-demand naman aniya ang Housekeeping lalo na sa mga kababaihan na nasa edad 28 hanggang 45 taong gulang lalo na sa hotel and restaurant sa mga bansa Ng Japan, Singapore, Canada, New Zealand, at iba pa.

Speak Your Mind

*