Mga negosyante, suportado ang kampanya kontra “Endo” ng administrasyong Duterte

Positibo ang pananaw ng grupo ng mga negosyante sa unang isandaang araw ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Philippine Chamber of Commerce and Industries President George Barcelon, nabawasan ang red tape sa simula ng panunungkulan ni Duterte.

Pero maikli pa aniya ang isandaang araw.

Kaya pakiusap ni Barcelon sa mga kapwa negosyante, habaan pa ang pasensya para makita ang kabuuang epekto sa ekonomiya.

Samantala, suportado ni Barcelon ang kampanya kontra “Endo” ng pamahalaan.

Speak Your Mind

*