MOA Signing at Pledge of Commitment ng Sonshine Radio sa mga Kapartner Agency, matagumpay

Kasabay sa ika-11 taong anibersaryo ng DZRD Sonshine Radio, ang taunang selebrasyon ng pagbibigay kasiyahan sa mga bata, pinaigting naman ang Serbisyo Mo, Serbisyo Ko Ngayon ng Kapartner ng Bayan Program.

Damalo sa ikinasang MOA Signing at Pledge of Commitment ng Sonshine Radio ang maraming ahensya ng gobyerno bilang pakikiisa at pagbibigay ng libreng serbisyo publiko.

Ayon kay Jay Mendoza, Station Manager ng DZRD Sonshine Radio, layun ng program na mabigyan ng pagkakataon ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno na mailahad ang kanilang mga proyekto sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng Airtime sa radyo.

Nagbigay din ng mensahe sa matagumpay ng selebrasyon ng sonshine radio ang mga ito gaya ng Department of Education (Deped), Philippine National Police (PNP Pangasinan), Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), Department of Agriculture (DA), National Police Commission (NAPOLCOM), Department of Health (DOH), Land Transportation Office (LTO), Department of Trade and Industry (DTI), National Food Authority (NFA), Department of Science and Technology (DOST), Department of Interior and Local Government (DILG), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE), Commission on Population (POPCOM), Department of Environment and Natural Resources (DENR-PENRO), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Cooperative Development Authority (CDA), Provincial Health Office (PHO), Social Security System (SSS), at Pag-Ibig Fund.

Lubos naman ang pasasalamat naman ang management ng Sonshine Radio sa pangunguna ng President at CEO ng Sonshine Media Network International na si Pastor Apollo Quiboloy sa lahat ng sumuporta at nagbigay ng tulong sa ikatatagumpay ng nasabing aktibidad.

Speak Your Mind

*