Pangasinan, isa sa may pinaka-mataas na kalidad na naiiprodyus na mais sa bansa

Umaabot sa limamput pitong libong ektaryang sakahan sa lalawigan ng Pangasinan ang mga magsasaka na umaasa sa corn industry.

Ito ang inihayag ni Venancio Valeroso, Senior Specialist At Provincial Corn Program Coordinator ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) sa panayam ng sonshine radio.

Ayon pa kay Valeroso, isa ang lalawigan sa may pinaka mataas na kalidad ng ani ng produktong mais sa bansa gaya ng yellow at white corn.

Ngunit mas malaking porsyento parin aniya ang nagtatanim ng yellow corn na karaniwang ginagamit sa pag-produce ng feeds kaysa sa white corn na ginagamit sa buy product gaya ng mga cornic.

Kasabay nito, sinabi ni Valeroso na malaki rin ang potensyal na lumaki ang kita ng mga magsasaka sa pangasinan sa corn seed production.

Speak Your Mind

*