Nagpalabas ng abiso ang kumpanyang Samsung sa mga gumagamit ng Galaxy Note 7 na agad na itong patayin.
Ito’y matapos itigil ng Samsung ang production ng mga Smartphones na sumasabog.
Sa Corporate Statement, sinabi ng Samsung na ipag-uutos nila sa mga carrier at retail partners sa buong mundo na itigil ang sales at exchanges ng Galaxy Note 7 habang iniimbestigahan ang sanhi ng mga pagsabog.
Pinayuhan din nito ang mga consumer na itigil na ang paggamit ng naturang smartphone.
Una nang pina-recall ng Samsung ang 2.5 milyong unit sa buong mundo at nagkaroon ng replacement phones na sumasabog din.
Speak Your Mind