Nakikiisa ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP Pangasinan Chapter sa ika-pitong taong paggunita sa Maguindanao Massacre sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang minutong katahimikan.
Matatandaan na Nobyembre 23, 2009 nang mangyari ang karumal-dumal na krimen, kung saan 58 katao rang namatay at 32 rito ay pawang mga miyembro ng media.
Eksakto alas-syete ng umaga ngayong araw, sabay-sabay na mag-aalay ng isang minutong katahimikan ang lahat ng istasyon ng radyo at telebisyon na kasapi ng KBP-Pangasinan Chapter.
Hanggang ngayon, pitong taon na ang nakakaraan pero uhaw pa rin sa hustisya ang mga naulila ng biktima nang pinakamadugong Maguindanao Massacre.
Speak Your Mind