Christmas break ng mga estudyente sa paaralan, inihayag na ng DepEd

Inihayag ng Department of Education o Deped Region I na epektibo na sa Disyembre a-bente dos hanggang Enero a-tres ang holiday o christmas break ng mga estudyente sa paaralan.

Nilinaw naman ni Darius Nieto, Project Development Officer IV at Information Officer ng Deped-Region 1  na kasama na sa  christmas break ang mga pribado at pampablikong paaralan.

Bahagya lamang aniyang magkakaiba ang christmas break sa mga private school depende sa kanilang school calendar partikular na sa pagsisimula ng kanilang klase.

 

Nilinaw naman ni Nieto na hindi na kailangan ang mga make-up classes ang mga paaralan dahil wala namang dumating na malakas na bagyo sa lalawigan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*